| — | aba!!! aba!!! aba!!! tanghali na may balak pa matulog… (via yengconstantino) |
Gusto ko lang ipost ang picture na ito kahit alam kong ayaw na ayaw ni Avid Liongoren na pinipicturan sya… hehehe!
Ito ay letrato namin habang nag uusap sa hallway ng school na pinagshootan namin ng music video ko ng SIGURO.. :)
Gusto ko lang sabihin na “SOBRANG” blessed ako na makakilala ng kaibigan slash director ng mga music video ko na sobrang creative, sarap ka-trabaho… kahit nung araw na yan may pinag dadaanan sya, sobrang professional at tuloy tuloy lang kame sa shoot…
para syang bata… mahilig sa mga laruan at makukulay na bagay at makukulay na babae na koreana(KPOP) :) …
:) iba yung ibang opinyon nya… minsan di kame nagkakasundo pero may respeto sa isa’t isa…
Natatawa ako sa loob ko pag naririnig ko na nagtatawagan sila ng mga kasama nya sa bahay ng “SENYOR”… na may kasamang lisp! hahaha!
sya yung rason kung bakit nahilig ako mag jogging… at kumain pa ng maraming gulay kase vegetarian “daw” sya… (dati yata)
magaling sya mag encourage di ko alam kung alam nya yon… sana alam nya …
meron syang aso na pangalan ay Momo.. at may blogsite si Momo.. :) hehehe! ito oh…http://momothedog.tumblr.com/
meron ding tumblr si Avid.. ito oh… http://misteravid.tumblr.com/
isa syang makulay na tao… na merong payong na nagpapanggap na samurai! :) mahal ko yan si Avid.. :)




